NAIA Terminal 4 nagmistulang “seaport”, MIAA nangakong hindi na mauulit ang pagbaha

  • Binaha ang tarmac ng NAIA Terminal 4 dulot ng malakas na ulan hatid ng Bagyong Ineng
  • Ang nagmistulang seaport na bahagi ng paliparan ay nakatanggap ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens
  • Ipinangako ni MIAA General Manager Ed Monreal na hindi na mauulit ang pangyayaring ito

Sa puntong ito ng taon, ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa panahon ng tag-ulan kung kaya naman mapapansin ang kaliwa’t-kanang suspensyon ng mga klase dahil sa sunod-sunod na mga bagyong dumadaan sa ating bansa.

Imahe mula Unsplash

Bukod sa sektor ng edukasyon ay isa rin sa mga apektadong sektor sa ganitong panahon ay ang transportasyon.

Kahit gaano pa man ka-importante ang ating mga lakad, mapatrabaho man o pinakaaasam-asam na bakasyon, palaging ang kaligtasan ang ating inuuna lalo na ng mga namamahala sa mga pampublikong transportasyon.

Kaakibat nito ay inaasahan din naman ng mga pasahero ang maayos na pasilidad ng mga terminal ng sasakyan lalo na sa airport.

Subalit hindi ito ang nakitang inaasahan sa isa sa mga video na in-upload sa Facebook ng nagngangalang Boy London.

Screenshot mula sa Facebook video ni Boy London

Ang video ay kuha ng kalagayan ng tarmac ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 4 noong kasagsagan ng Bagyong Ineng.

Makikita sa video na naka-park ang mga eroplano sa bahang tarmac kung saan tinawag itong “seaport” imbes na “airport” ng mga netizens.

Ang iba ay pinagtawanan ang nasabing video, samantalang ang iba naman ay nagpahayag ng pagkadismaya at nagbigay ng negatibong saloobin.

Kasunod ng kaganapang ito ay nangako ang Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager na si Ed Monreal na hindi na mauulit ang pangyayaring ito.

Screenshot mula sa Facebook video ng Ninoy Aquino International Airport MIAA

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, inihayag ni Monreal na nangyari ito dahil sa ang Terminal 4 ay matatagpuan sa “lowest point” ng rampa sa pagitan ng Terminal 2 at Terminal 3 kung kaya’t ito ay nagmistulang “catch basin” ng airport.

Sa kabila nito, ang mga flights ng araw na iyon ay hindi naabala sa tulong ng mga bus na ginamit bilang shuttle upang ihatid ang mga pasahero sa mga naka-park na eroplano.

Sources: Facebook Manila Bulletin Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!