Mayor Isko nagtatrabaho pa rin matapos sumailalim sa dental surgery

  • Manila Mayor Isko Moreno patuloy pa rin sa pagtatrabaho matapos sumailalim sa dental surgery
  • Nag-trending sa social media ang larawan ng Manila Mayor na nasa kanyang opisina habang naka-dextrose
  • Umani ang nasabing mga larawan ng halu-halong reaksyon mula sa mga netizens

Matapos ang nangyaring midterm elections noong nakaraang buwan ng Mayo, isa ang bagong halal na si Manila Mayor Isko Moreno ang may matunog na pangalan sa pulitika simula nang maluklok sa puwesto nitong Hulyo.

Imahe mula sa Facebook Page Isko Moreno Domagoso

Ito ay dahil sa mga sunud-sunod nitong mabibilis na aksyon at mga magagandang proyekto na mabilisang naisakatuparan sa Kalakhang Maynila sa kabila ng iilang buwan pa lamang na pagkakaupo.

Maliban dito, bilang isa sa mga pulitiko na aktibo sa social media, ang impluwensya at pagkakakilanlan ni Mayor Isko o mas kilala ngayon sa tawag na “YorMe Isko” ay mas naging malawak pa.

Dahil dito karamihan sa mga gawain ng alkalde ay nagiging trending sa social media; isa na rito ang isinagawang “dental surgery” kamakailan kay Mayor Isko na umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Sa Facebook Page ni Mayor Isko ay kanyang ipinost ang “live video” ng kanyang operasy0n. Ayon dito ay wala na siyang choice, at kailangan na itong gamutin.

Screenshot mula sa video sa Facebook Page Isko Moreno Domagoso

Ang video na ito ay mayroong mahigit na 714K views at mahigit 51K engagements sa Facebook.

Kasunod ng post na ito ay nag-viral din sa social media ang mga larawan na nagpapakitang nagtatrabaho ang alkalde sa kabila ng katatapos na operasyon.

Sa Facebook post ni Johann Ferrer Ortiz ay kanyang inilahad na sa kabila ng magang mukha at masakit na ngipin ay patuloy pa rin na nagtatrabaho si Mayor Isko at pumipirma ng sangkaterbang papeles.

Imahe mula sa Facebook Account ni Johann Ferrer Ortiz

Ang mga kaganapang ito ay umani ng sari-saring reaksyon sa social media.

Mayroong mga naghatid ng well-wishes sa alkalde. Mayroon din namang humanga sa dedikasyon nito sa kanyang tungkulin. Samantalang mayroon din namang mga nagkomento na over-acting na umano ang mga larawang ito.

Ilan sa mga komento ay:

“Yorme pls. Take care of yourself….praying for you always..”

“I’ve been following the good Mayor of Manila for the past weeks. Believe ako sa work ethics niya pero sana mag rest din siya. Good luck po”

“PR is good but not too much. Show business as usual for Yorme. I hope Erap will not use this propaganda. I am entertained though”

Sources: Facebook Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: