Matalinong pato, tinulungang ibalik ang nahulog na tsinelas ng isang bata

  • Kamangha-mangha ang ipinakita ng isang pato na tinulungang makuha ang nahulog na tsinelas ng isang bata
  • Mapapansin sa viral video na makailang beses na nahulog muna ng pato ang tsinelas bago napagtagumpayang makuha ang tsinelas
  • Maraming netizens ang natuwa sa in-upload na video

Iba’t-ibang mga nakabibilib na kwento ng mga karaniwan nating mga alagang hayop sa bahay ang madalas ay nakakakuha ng ating atensyon ngayon sa social media.

Imahe mula sa Freepik

Ang mga kwento ng mga aso ang kalimitang nakaaantig sa ating mga puso dahil sa pagiging matapat ng mga ito sa kanilang mga amo.

Subalit isang matalinong pato na kabilang sa pamilya ng mga “domestic poultry” animals ang nakaagaw ng pansin ng mga netizens dahil sa heroic deed nito na ipinakita.

Nag-trending sa social media ang isang pato na matatagpuan sa Quezon Province dahil sa pagtulong nito sa isang bata na nakahulog ng tsinelas sa bukid.

Makikita sa video na in-upload ni Myla Aguila sa Facebook ang nakabibilib na ginawa ng pato kung saan hindi nito sinukuan na maibalik sa bata ang nahulog na tsinelas matapos itong makailang ulit na nahulog bago matagumpay na naibalik sa bata ang tsinelas.

Screenshot mula sa Facebook video ni Myla Aguila

Bukod sa pagkamangha ay marami ang natuwa sa nasabing pato dahil sa ipinamalas nitong pagiging bibo na nakatulong sa bata.

Masasabing hindi pangkaraniwan ang istoryang ito sapagkat hindi naman tipikal na alaga ang mga pato upang turuan ng mga ganitong bagay.

Sa kaalaman nating lahat ay kadalasang inaalagaan ang mga pato para sa mga itlog nito na maaaring makain at mabenta.

Screenshot mula sa Facebook video ni Myla Aguila

Ilan sa mga komento na matatagpuan sa video ay:

“ang galing naman ng duck…hnd lang pala aso oh ibang hayup ang pwdeng maturuan kahit pala duck eh.”

“Utang na loob wag nyo pong ikaldereta ang pato alagaan n’yo nalang”

“Ang galing po ng pato ninyo ingatan n’yo po siya”

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: