Lalakeng sumabit sa likod ng bus sa EDSA binansagang “Spiderman” ng Pilipinas

  • Isang lalake ang namataang nakasabit sa umaandar na bus sa EDSA kamakailan
  • Inihalintulad sa palabas na “Spider-Man: Far From Home” ang video ng lalake
  • Bagama’t umani ito ng maraming nakakatawang komento, inihayag ng nag-upload na ito ay hindi ligtas

Marami sa social media ang iba’t-ibang uri ng mga posts na napag-uusapan dahil sa pagiging “unique” ng istorya, nakatutuwang topic o kamangha-manghang mga kuwento.

Imahe mula sa Freepik

Samantala, mayroon din namang mga istorya na nailalathala sa internet at napag-uusapan dahil sa pag-ani ng mga negatibong reaksyon o opinsyon ng mga netizens.

At isa ang mga Pinoy sa maituturing na may mataas na sense of humor pagdating sa mga viral posts sa social media. Maaaring ang pagiging likas na masayahin nating mga Pinoy ang sanhi nito.

Kung kaya naman hindi na kataka-taka na ang video na na-upload sa Facebook na nagpapakita ng isang lalake na sumabit sa likod ng bus ay umani ng sari-saring komento sa social media.

Ang pagsabit ng mga pasahero sa jeep ay hindi na bago sa ating bansa. Subalit ang makakita ng taong sumabit sa likod ng bus ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari na ating makikita araw-araw.

Iclick ang imahe para sa video mula sa Facebook|Regie Laguesta

Ang pagkakakuha ng Facebook user na si Regie Lacuesta sa video na ito ay nangyari habang siya at ang isa pang kasama na siyang kausap sa video ay nasa kahabaan ng EDSA.

Marami sa mga netizens ang natawa sa uploaded video at nag-tag pa ng mga Facebook friends upang mapanood ito. Karamihan sa mga nagco-comment ay inihalintulad ang lalake kay Spiderman at ikinabit sa kalalabas lamang na pelikulang “Spider-Man: Far From Home”.

Subalit bukod sa mga nakatutuwang reaksyon, may mga nagpahayag din na hindi ito tama at ligtas.

Imahe mula sa Facebook account ni Regie Laguesta

Sa video ay nabanggit ni Regie na ito ay nakakatakot at sana ay sabihan ang bus driver na may nakasabit sa likod ng kanyang minamanehong bus.

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!