Kim Chiu hindi kinaya ang traffic, nag-Angkas papuntang volleyball practice

  • Si Kim Chiu ang napiling maging captain ball ng Team Red sa Kapamilya All-Star Games ng volleyball ngayong taon
  • Sa isa sa mga practice ng kanilang koponan ay napilitang mag-Angkas ang aktres dahil sa pagkakaipit nito sa traffic
  • Isa si Kim sa mga artista na nagbahagi ng experience sa pagsakay sa motor upang hindi ma-late sa pupuntahan

Hindi na bago sa ating mga commuters sa Metro Manila ang matinding traffic na ating nararanasan sa tuwing rush hour, tag-ulan, at kung minsan pa ay sa kabuuang araw mismo nararanasan ang pagkakaipit sa trapiko.

Imahe mula sa Instagram account ni @rickpets_lens

Kapansin-pansin din naman na hindi lamang mga ordinaryong mamamayan ang naaapektuhan sa perwisyong dulot ng trapiko sa Kamaynilaan kundi pati na rin ang mga paborito nating mga celebrities.

Dahil sa social media, nakikita natin ang kanilang mga araw-araw na gawain, kung saan sila pupunta, at iba pang mga updates sa kanilang buhay. Isa na rito ang pakikibaka rin nila sa malawakang problema ng trapiko dito sa ating bansa.

At ang tinaguriang “Chinita Princess” na si Kim Chiu ang pinaka-latest celebrity na hindi kinaya ang traffic at pinili na lamang na sumakay ng motorsiklo upang makarating sa kanyang destinasyon.

Imahe mula sa ABS-CBN Push

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi nito ang lubhang pagka-late sa pupuntahang volleyball practice dahil sa traffic.

Subalit nang mamataan ang isang Angkas na motorsiklo ay naisipan na nito ang sumakay upang makarating na sa pupuntahang venue.

Hindi lamang si Kim ang artista na naglakas-loob na sumakay ng motor upang maiwasan ang traffic.

Imahe mula sa ABS-CBN Push

Noong nakaraang Hulyo lamang ay nag-trending din ang balita na sumakay ang couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde upang makaabot sa concert ng Lany.

Source: ABS-CBN Push Instagram Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: