“Hello, Flash Drive, Goodbye”: Ilang bus companies nahuling nagpapalabas ng piratang pelikula

  • Patuloy ang pagtuligsa ng mga awtoridad sa mga bus companies na nagpapalabas ng mga piratang pelikula
  • Ang mga palabas na “Hello, Love, Goodbye” at “Avengers: Endgame” ang ilan sa mga nasaktuhang ipinapalabas nang mangyari ang mga isinagawang raid
  • Ang mga piratang pelikula ay nahuling naka-save sa USB Flash Drive

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan sa pangunguna ng ahensya ng Optical Media Board laban sa paggamit ng mga piratang pelikula at mga palabas, nananatili pa ring marami ang tumatangkilik dito.

Imahe mula sa Facebook account ng Optical Media Board

Ito ay napatunayan sa mga matatagumpay na isinagawang raid sa mga nakalipas na araw sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), at ilang mga bus terminals sa Pasay at Cubao.

Makikita sa mga posts na in-upload sa Facebook Page ng OMB ang ilan sa mga matatagumpay nilang operasyon kung saan huling-huli sa akto ang pagpapalabas ng mga piniratang pelikula na ipinapalabas sa mga bus habang naghihintay ng mga pasahero sa terminal.

Ang ilan sa mga bus companies na inisyuhan ng Show Cause Order ng ahensya ay ang Victory Liner, HM Transport, Metro Manila Bus, SanTrans, at Saulog Transit.

Nakasaad sa mga ibinigay na Show Cause Order ang posibleng kaso at multa na ipapataw sa mga taong responsable sa ilegal na pagpapalabas ng mga nasabing pelikula.

Imahe mula sa Facebook account ng Optical Media Board

Ayon sa interview ng ABS-CBN News sa pamunuan ng OMB, ang mga operasyong ito ay naisagawa nang matagumpay sa tulong na rin ng publiko na nagbibigay sa kanila ng impormasyon ukol sa mga ganitong ilegal na gawain.

Bukod dito ay inilahad ng OMB na high-tech na umano ang pagpipirata sa mga pelikula kung saan napakalinaw na ng mga kopya, at naka-save na rin sa mga USB flash drives.

Ang ilan sa mga pelikula na nahuling ipinapalabas nang ilegal ay ang “Hello, Love, Goodbye”, “Avengers: Endgame”, at “The Girl in the Orange Dress”.

Imahe mula sa Instagram account ng Star Cinema

Sources: Facebook Facebook Facebook ABS-CBN News YouTube Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: