Dayuhang turista lumabag sa “Anti-Littering Law” sa Boracay, apektadong bahagi ng isla pansamantalang isinara

  • Mabilis na kumalat sa social media ang video ng mga dayuhang turista sa Boracay na lumabag sa “Anti-Literring Law” ng Malay, Aklan
  • Umani ng negatibong reaksyon ang video kasabay ng pagsara sa apektadong bahagi ng isla upang agarang linisin
  • Tinawag na “public vigilance” ang ginawang pagkuha ng video ng isang netizen na naglalayong mapanatili ang kalinisan ng Boracay

Isa ang isla ng Boracay sa pinakamagandang lugar na matatagpuan sa Pilipinas na hindi lamang dinadayo ng mga Pinoy kundi isa rin sa mga “dream destinations” ng mga dayuhang turista.

Imahe mula kay HelloThinkerbell

Kaakibat ng angking kagandahan ng islang ito ay ang napakaraming turista na bumibisita rito taun-taon. At tila hindi maiiwasan na makaranas ang lugar ng pagkakasira.

Kung kaya’t isinailalim ang Boracay noong taong 2018 sa six-month closure upang i-restore at i-rehabilitate ang tourist destination sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit nakalulungkot na matapos ang magandang hakbang na ito ng pamahalaan ay mayroon pa ring mga turista na patuloy na lumalabag sa mga alituntunin ng isla.

Isang halimbawa nito ay ang kumalat na video sa social media ng mga dayuhang turista na nagpakita ng paglabag sa “Anti-Littering Law” ng Malay, Aklan.

Screenshot mula sa uploaded video sa Facebook account ni Stanley Palmares Gella

Ang nasabing video ay in-upload ng netizen na nagngangalang “Hazel Ann”.

Ang municipal order sa Aklan ay nagbabawal sa pagdumi, pag-ihi, at pagdura sa mga pampublikong lugar gaya ng Boracay.

Makikita sa nasabing video ang isa sa mga dayuhang turista na ibinabaon ang dumi o naturang diaper sa buhanginan habang ang isa naman ay nililinisan ang isang bata sa tubig matapos nitong dumumi.

Screenshot mula sa uploaded video sa Facebook account ni Stanley Palmares Gella

Base sa ABS-CBN News report, ang insidente ay nangyari sa Station 1 ng Boracay, at hindi lamang mga Pinoy na turista kundi maging ang ibang mga dayuhan ay sumisita sa mga ito.

Dahil dito ay agarang ipinasara ang apektadong bahagi ng Boracay upang linisin at hanapin ang naibaon na diaper sa lugar.

Bagama’t nabalot ng negatibong reaksyon ang insidenteng ito at naghatid ng pagkadismaya, nakita naman ng mga opisyales ang “public vigilance” sa pamamagitan ng pag-upload ng video na ito.

Harinawa’y maging paalala naman ang insidenteng ito sa lahat na matutong maging disiplinado.

Sources: ABS-CBN News Facebook ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: