Odd-Even Scheme sa Pasig, pansamantalang sinuspinde ni Mayor Vico

  • Isa sa mga unang inaksyunan ni Mayor Vico Sotto sa Pasig ay ang pansamantalang pagsuspinde sa Odd-Even Scheme
  • Upang masolusyunan ang trapiko sa Pasig, magsasagawa ng mas masusing pag-aaral kapalit ng Odd-Even Scheme
  • Marami ang nagalak sa ordinansang ito, hindi lamang mga taga-Pasig

Ang mas maraming oportunidad na trabaho sa Metro Manila ang isa sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan sa probinsya ang pinipiling dito na lamang manirahan.

At bilang sentro ng urbanisasyon dito sa Pilipinas, kaakibat nito ay ang mga problema na kung minsan ay nagdudulot sa atin ng matinding perwisyo.

Imahe mula sa Twitter account ni Johnnie

Isa na rito ang trapiko na ating nararanasan araw-araw. Kung kaya naman maigting ang mga ginagawang aksyon ng pamahalaan sa paghahanap ng solusyon.

Bukod sa ito ay national issue, ang mga namumuno din sa LGU ay gumagawa ng mga panuntunan na kanilang ipinatutupad sa kanilang mga sinasaklawang lugar.

Isa na rito ang popular na odd-even scheme sa Pasig City. Simula noong 2016 ay ipinatutupad na ito sa mga piling lugar sa Pasig.

May mga ilan mang mamamayan ang pabor dito ay lubhang marami naman ang hindi sumasang-ayon simula nang ito’y ipatupad.

Imahe mula sa Twitter account ni Mayor Vico Sotto

At sa pagpasok ng Hulyo ngayong taon, kasabay ng pag-upo ng bagong halal na Mayor ng Pasig na si Vico Sotto, ay pansamantalang sinuspinde ang nasabing regulasyon.

Ang bold move na ito ng Millennial Mayor ng Pasig ay pinag-usapan sa social media.

Umani ito ng sari-saring komento, ngunit kitang-kita naman na marami ang natuwa.

Ito ang ilan sa mga komento na mababasa sa Twitter

Imahe mula sa Twitter account ni Alyana

“Happy 1st of July! Wala nang odd even scheme sa Pasig. Horaaay!” – Alyana

“YES!! Mayor Vico Sotto just signed the executive order suspending the odd/even number coding scheme in the City of Pasig. “Goodbye Odd/Even” #BagongPasig” – Mikee Guanzon

“I understand that suspending odd/even scheme has been thoroughly assessed. I hope the resulting heavy traffic will be addressed as well. Residents in Pasig area suffering.” – Grizzly Bear

Sources: Twitter Twitter Twitter Twitter Twitter


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!