Newlywed couple sa Iloilo, sumakay sa karosang hila ng kalabaw

  • Trending ang kasalan sa Iloilo na gumamit ng karosang hila ng kalabaw bilang “bridal car”
  • Marami ang namangha sa isinagawang traditional wedding sa kabila ng mga nauusong modernong konsepto ng kasalan
  • Itinampok ang kasalang ito sa iba’t-ibang Facebook Page na nagpapakita na “It’s more fun in the Philippines”

Karaniwan na sa panahon ngayon ang mga kasalang ginaganap na nagpapakita ng mga kakaibang konsepto ng wedding proposals, prenup shoots, themed-venue ng simbahan o reception, kasama pati na ang mga unique na souvenirs.

Imahe mula sa Concept Art Event Film Maker

At hindi maikakaila na ang mga nauuso at kakaibang konsepto ng mga kasalan ngayon ay karaniwang nagpapakita ng kaalwanan o karangyaan sa buhay. Sa mga ganitong klase ng pagdiriwang, kinakailangan ng sapat na halaga upang maisagawa ang pinapangarap na kasal.

Subalit may mga pagkakataon naman na hindi lahat ng “dream wedding” ay kailangang pagkagastusan nang higit.

Ito ay pinatunayan ng mag-asawang sina Amfe Jane Gallaza, isang Filipina, at Martin Poulsen na isa namang Danish.

Ang mag-asawang Amfe at Martin ay isinagawa ang kanilang ikalawang kasal sa Bingawan, Iloilo.

Imahe mula sa Facebook Page ng Mitchell Artworks

Ang kanilang unang pag-iisang dibdib ay naganap sa Denmark. At dahil sa pangarap ni Amfe na maikasal sa kanilang probinsya kasama ng kanyang mga mahal sa buhay, sila ay nagpasyang magpakasal muli.

Bukod pa sa pagtupad ng pangarap niyang ito ay ay naging usap-usapan sa social media ang kanilang kasal dahil sa paggamit nila ng karosa na hila-hila ng kalabaw bilang kanilang “bridal car”.

Ikinamangha ito ng mga netizens dahil sa pinagsamang tradisyunal na kaugalian at unique na konsepto.

Imahe mula sa Facebook Page ng Mitchell Artworks

Itinampok ang kasalang ito sa iba’t-ibang Facebook Pages ng mga content websites sa nasabing probisnya: Iloilo Metropolitan Times, Hello Iloilo, at Tourism Bingawan.

Ang ilan sa mga komento ay:

“Couples enjoying the back view of the karabao. Hope it didn’t drop some cakes for a more pleasant aroma. Congrats on your wedding and best wishes”

“Tipid pa sa gasolina .iwas polution pa.. uneqe kaayo..”

Sources: Iloilo Metropolitan Times Hello Iloilo Tourism Bingawan Facebook Themes and Motifs


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!