Magarbong kasalan sa Burj Al Arab, iPad ang souvenir

  • Usap-usapan ang magarbong kasalan ng Brazilian model na si Janaina Cardoso sa Pakistani na si Imran Hussain
  • Ang kasal ay ginanap sa sikat na 7-star hotel Burj Al Arab
  • Isa sa mga pinag-usapan ay ang pamimigay ng iPad bilang souvenir sa kasalang ito

Bukod sa makatagpo ng mapagmahal at mabait na magiging kabiyak sa tamang panahon, karamihan sa ating mga kababaihan ay nangangarap na maikasal katulad ng mga napapanood natin sa “fairytales”.

Imahe mula sa Instagram account ng Eventchic Designs

Atin nang kinalakihan ang konsepto ng “dream wedding”.

At kahit na tayo ay nasa moderno nang panahon na kung saan marami na ang naniniwalang mas mabuti na ang simpleng kasalan kaysa harapin ang posibilidad na mabaon sa utang dahil sa gastos, marami pa rin sa atin ang nag-aasam nito.

At ngayong taon na ito, isa ang Brazilian model na si Janaina Cardoso sa mga nakaranas ng tila higit pa sa masasabing “dream wedding”.

Si Janaina ay ikinasal kay Imran Hussain sa Burj Al Arab, ang nag-iisang seven-star hotel sa buong mundo. Ito ang kanyang pangarap na wedding venue.

Pinag-usapan ang kanilang White Dream-themed wedding na inorganisa ng Eventchic Designs

, isa sa mga kilalang Wedding & Event Designers sa Dubai.

Imahe mula sa Instagram account ng Eventchic Designs

Bawat detalye ng kasal ay pinaghandaan at pinagkagastusan.

Ang bridal gown ni Janaina ay gawa ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab. Ang gown ay custom-made na kung saan naka-engrave ang kanilang wedding date.

Ayon sa organizer, kanilang ipinakita ang personality nina Janaina at Imran sa setting ng kanilang wedding venue. Sila ay gumamit pa ng mga imported na bulaklak galing Holland at nagmistulang fairytale ang lugar.

Imahe mula sa Instagram account ng Eventchic Designs

Isa sa mga pinag-usapan ay ang ipinamigay na souvenir sa kanilang kasal. Bawat isa sa 120 guests ay mayroong iPad na may naka-engrave na detalye kaugnay sa kanilang kasal.

Tinatayang nasa 97 milyong piso ang halaga ng kasalang ito.

Malamang ay napa-wow ka rin.

Sources: Instagram Belle Bridal Magazine Harper’s Bazaar Arabia


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: