Katapatan ng mga taga-Batanes: Bayad sa kuryente, sinasabit lang sa labas ng bahay

  • Kilala ang mga Ivatan sa Batanes sa pagiging matapat
  • Karamihan sa mga nakatira dito ay iniiwan lamang ang bayad ng kuryente sa labas ng kanilang bahay
  • Tampok sa mga turista ng lugar ang konsepto ng “honesty store”

Isa ang Batanes sa mga lugar sa Pilipinas na hindi mawawala sa “bucket list” ng marami; hindi lamang mga Pinoy kundi pati na rin mga banyaga.

Imahe mula kay Shane De Leon

Ito ay dahil sa likas na yamang taglay ng Batanes.

Ang mga kaakit-akit na tanawin, mayamang kultura, ang payak ngunit nakagigiliw na pamumuhay, mga ipinagmamalaking pagkain sa lugar na ito, at higit sa lahat ang mga tao mismo na nakatira dito.

Karamihan sa mga namumuhay sa Batanes ay mga Ivatan.

At habang nasa bugso ng pagsikat ang lugar na ito dahil sa kanyang angking ganda, ang katangian ng mga Ivatan na pagiging matapat ang isa sa mga dinadayo ng mga turista upang ito’y masaksihan.

Imahe mula sa Twitter account ni Zhander Cayabyab

Kamakailan lamang, sa ulat ng DZMM reporter na si Zhander Cayabyab, kanyang itinampok sa Twitter ang isang halimbawa ng pagiging matapat ng mga Ivatan sa Batanes.

Halimbawa ay si Carmen Castillo, taga Brgy. Kayvaluganan, Basco, Batanes na kinaugalian nang iwanan ang kanilang bayad ng kuryente sa labas ng kanilang bahay.

Makikita sa larawan na kuha ng BATANELCO payment collector na si Aleth Mata na isinabit lamang ang electric bill at ang pera sa kuntador nila Carmen.

Ang konsepto ng “honesty” sa Batanes ay hindi na bago sa atin.

Sa pelikulang “You’re My Boss” na pinagtambalan nina Coco Martin at Toni Gonzaga, ang “Honesty Coffee Shop” na matatagpuan sa Batanes ang isa sa mga highlight ng pelikulang ito.

Imahe mula sa Instagram account ni Raph Cocson

Sa coffee shop na ito ay walang nagbabantay. Kukuha ang mga bumibili ng kanilang kailangan at iniiwan lamang ang kanilang mga bayad.

Sources: Twitter Twitter Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!