Heart Evangelista walang balak tumakbo sa pulitika

  • Si Heart Evangelista ay tumutulong sa asawang si Governor Chiz Escudero sa pagpapabuti ng pamumuhay sa Sorsogon
  • Sa kabila nito ay ipinahayag ng aktres na wala itong balak na sumabak sa pulitika
  • Maraming netizens ang humanga kay Heart dahil sa kanyang taus-pusong pagtulong sa kapwa

Isa si Heart Evangelista sa mga iniidolong personalidad sa show business dito sa Pilipinas. Bukod dito ay maingay din ang pangalan ni Heart sa ibang bansa lalo na sa larangan ng arts and fashion.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Bukod sa pagiging aktres, TV host at artist, isa ring social media influencer si Heart kung saan hindi maikakailang isa siya sa mga sikat na influencers dahil sa kanyang mga trending posts at viral videos.

Subalit higit sa pagiging public personality sa mundo ng entertainement, sa ngayon ay siya rin ang tumatayong “First Lady” ng Sorsogon dahil sa asawang dating senador na si Chiz Escudero, at ngayon ay Governor ng nasabing probinsya.

Laman ng Instagram account ni Heart ang mga updates sa kanyang mga pagbisita sa Sorsogon habang dinadalaw ang iba’t-ibang pampublikong lugar gaya ng mga ospital at palengke.

Sa kanyang mga posts ay makikita kung gaano niya nae-enjoy ang pakikisalamuha sa mga taga-Sorsogon habang kanyang nae-experience ang pang araw-araw na sitwasyon sa nasabing probinsya.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Subalit bukod dito ay tinutulungan niya ang kanyang asawa upang mas mapabuti at mapaganda ang pamumuhay nga mga kababayan sa Sorsogon.

Ayon sa isa niyang post sa Instagram ay binisita niya ang isang ospital sa Magallanes, Sorsogon upang pag-usapan kasama ng mga  staff kung paano nila mas mapabubuti ang basic health services para sa mga taga doon.

Kaakibat ng kanyang mga nagdaang aktibidad ay ang pagtatanong ng mga netizens kung siya ba may balak na tumakbo sa pulitika.

Imahe mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Ito naman ay sinagot ni Heart sa komento na hindi kailangan na siya ay nasa posisyon upang makatulong.

“I don’t need power or a position to help. My answer is no. Not for me.”

Maraming netizens ang pumuri sa advocacy ni Heart na makatulong sa mga tao. Bukod pa rito ay pati na ang samahan nila ni Governor Chiz ay nakatanggap na positibong reaksyon sa social media.

Sources: Instagram Instagram Instagram Instagram Inquirer


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!