Bill ng kuryente na halos umabot ng isang milyon, viral sa social media

  • Trending ang Facebook post ng isang taga Tarlac na may halos isang milyong halaga ng bill sa kuryente
  • Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizens
  • Kinumpirma ng nag-post na netizen na mali ang TARELCO bill na kanilang natanggap

Tipikal sa isang sambahayang Filipino ang mga buwanang bayarin sa mga pangunahing pangangailangan na ating kinu-konsumo araw-araw katulad ng tubig, gas, telepono o WiFi, at higit sa lahat, ang kuryente.

Imahe mula sa Freepik

Sa ating mga tahanan, isa ang kuryente sa mga pangangailangan na hinding-hindi natin kayang mawala.

Kung kaya’t sa oras ng bayaran buwan-buwan, isa sa mga inuunang bayaran ay ang kuryente. Ano nga ba naman ang gamit ng WiFi, kung wala namang power ng kuryente na makapagpapagana dito. Gaano nga ba kadaling matulog kung wala kang electric fan o aircon?

Subalit anong gagawin mo kung ang bill na dumating sa iyo isang araw ay umabot ng halos isang milyong piso?

Trending ang Facebook post ng user na si Miranda Banne na nakatira sa Gerona, Tarlac nang ipakita ang bill ng kanilang kuryente ngayong buwan ng July na nagkakahalaga ng P942,818.17.

Imahe mula sa Facebook account ni Miranda Banne

Ayon kay Miranda sa kanyang comment, kinumpirma nito na nagkaroon ng error ang TARELCO at magkakaroon ng panibagong “reading” na gagawin sa kanilang metro.

Umani ang post na ito ng iba’t-ibang reaksyon sa social media. Karamihan ay nagbigay ng mga nakakatawang komento, samantalang ang iba naman ay naghayag din na nakaranas sila ng kaparehong sitwasyon.

“Error yan… naganyan din kami.. 1m mahigit.. pero after a few days, naging ok din..”

“Is this real? Ingat po tayo sa post ng mga ganito lalo na kung di totoo. Wag po sana magaya kay kuyang nagfake news about LTO. Pero kung totoo to, grabe naman. Buong Tarlac babayaran nyo? Hahaha di pa nag 1M ah. Nahiya pa”

Imahe mula sa Facebook comment ni Noemi Catap

Mayroon namang nagkomento ng larawan ng sobrang baba na bill ng kuryente. “Sana laging ganito. Hindi kc nagagamit. Sana ganito Rin sa tubig walang minimum”

“human error po yan ahaha. kasi ung ibang nag rereading pag mataas ung kuntador niyo huhulaan nalang basta nila ahaha.”

“July 25, 2019 due mo lagot na hahaha change meter na agad highest consumption ever pang Guinness book of records na yan!”

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!