Bagong Instagram update, naglalayong maiwasan ang pagbaba ng self-esteem ng mga users

  • Ipinatutupad na sa pitong bansa ang Instagram update na pagtatago ng likes at views sa mga posts
  • Ito ay naglalayon na mas pansinin ang mga content na sine-share kaysa sa bilang ng mga taong nagla-like
  • Sari-saring reaksyon ang natanggap ng update na ito lalo na at makaaapekto sa mga online influencers

Hindi maikakaila na ang paggamit ng social media ay kalakip na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Karamihan sa atin ay nakasanayan na ang paggamit ng Facebook, Instagram, Twitter at iba pang social media platforms paggising pa lamang sa umaga.

Imahe mula sa Freepik

Isa sa mga benepisyo nito sa atin ay ang mapalapit tayo sa mga kamag-anak, kaibigan at mga kakilala na malayo sa atin. Idagdag pa na isa rin ito sa mga paraan upang ating masaksihan ang mga “real-life” happenings ng ating mga iniidolong celebrities.

Subalit hindi maiiwasan na kalakip ng pagiging updated natin sa mga nangyayari sa buhay ng ibang tao ay hindi natin namamalayan na may mga pagkakataong nakaaapekto ito sa ating “self-esteem”.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit isinusulong ng Instagram ang kanilang “latest update” na pagtago sa mga likes at views sa nasabing platform.

Ang isa sa mga bagay na una nating tinitignan ay kung gaano karami ang nag-like sa ating mga Instagram posts at sa mga posts ng ating mga fina-follow.

Imahe mula sa Instagram account ng Hellothinkerbell

Karaniwan ay ating iniisip na ang mga users na mayroong maraming post likes ay mayroong maraming tagahanga, samantalang kabaligtaran naman sa mga nakatatanggap ng mas mababang bilang ng likes sa kanilang mga posts.

Ayon sa ulat ng Tech Crunch website, hangad ng mga namumuno sa Instagram na mas mag-focus ang mga users sa kanilang mga shini-share na videos at photos kaysa sa dami ng bilang ng mga “likes” na matatanggap.

Sa ngayon ay ipinatutupad na ito sa Canada, Ireland, Italy, Japan, Brazil, Australia at New Zealand.

Imahe mula sa Twitter account ng Instagrm

Sa update na ito, tanging ang nag-post lamang ng mga videos at photos ang makakakita kung ilan at kung sino ang mga nag-eengage sa kanilang mga content.

Ito ay nagresulta sa iba’t-ibang reaksyon, hindi lamang mula sa mga netizens kundi lalo na ng mga tao at kompanya na ginagamit ang nasabing platform upang makapag-generate ng income.

Bukod sa personal na paggamit ng Instagram ay isa rin ito sa mga social media platforms na ginagamit na marketing strategy ng mga brands o ‘di naman kaya ay pinagkakakitaan ng mga influencers.

Ano nga ba ang mainam?

Sources: Tech Crunch Twitter Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: