16 ginang sa GenSan, humabol maikasal bilang June brides

  • Labing-anim na pares sa Brgy. San Isidro, GenSan ang naikasal bago magtapos ang buwan ng Hunyo
  • Libre ang ginanap na kasalang bayan na isa sa mga aktibidad ng kanilang 52nd Founding Anniversary
  • Tampok ang “longest kiss” game sa pagdiriwang na ito

Tuwing buwan ng Hunyo sa Pilipinas, bukod sa ito ang panahon ng pagsisimula ng pasukan ng mga bata, buwan ng pagdiriwang ng Father’s Day at Independence Day, ito din ay tinaguriang buwan ng mga ikinakasal.

Imahe mula sa YouTube account ng GMA News

Mayroon ngang kasabihan na kung ikaw ay ikinasal sa buwan na ito, ikaw ay ituturing na “bride” sa buong buhay mo.

Dahil dito, marami ang bilang ng mga couples ang pinipiling ikasal sa buwan na ito.

At bago pa matapos ang buwan ng Hunyo, hindi nagpahuli ang Barangay. San Isidro, General Santos City sa pagdiriwang na ito.

Taun-taon ay ipinagdiriwang ang libreng “mass wedding” o kasalang-bayan sa Barangay San Isidro. Ito ay isa sa mga aktibidades ng barangay na naglalayong maikasal ang mga nagsasama bilang mag-asawa ngunit hindi pa nakakapagbitaw ng kanilang “I Do”.

Imahe mula sa YouTube account ng GMA News

Kaya naman, labing-anim na couples ang sabay-sabay na humabol maging newly weds sa buwan ng Hunyo.

Ang Mayor ng GenSan ang nag-officiate ng kasalang bayan at ang mga barangay officials ang tumayong mga ninong at ninang.

Isa sa mga pinakaabangan na tampok sa kasalang ito ay ang “longest kiss” game na kung saan ang mananalo ay mag-uuwi ng isang sakong bigas at isang libong piso.

Imahe mula sa YouTube account ng GMA News

Sina Mr. at Mrs. Richard Fuentes ang isa mga couples na naging parte nito. Ayon kay Richard ay wala na siyang hahanapin pang iba kung hindi ang kanyang asawa lamang.

Ang kasalang bayan na ito ay kasabay ng 52nd Founding Anniversary ng Barangay San Isidro.

Source: GMA News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!