Street Cleaner sa Cebu ibinalik ang napulot na wallet na may lamang P30K

  • Naibalik sa isang Account Manager sa Cebu ang kanyang nawalang wallet na may halagang 30K pesos
  • Nagpakita ng katapatan si Angelo Baguio nang isauli ang napulot na wallet
  • Maaaring ito ay isa sa mga posibleng halimbawa ng pag-aaral ukol sa malaking tsansa na maibalik ang mga nawawalang wallet na may malaking halaga

Faith in humanity restored. Sana all.”

Ito ang saad ni Christine Janelle Kho sa kanyang Facebook post noong June 19 nang maibalik sa kanya ang nawalang wallet na may lamang 30,000 pesos.

Si Angelo Baguio, naghahanap-buhay bilang street cleaner sa Ayala Business Park, Cebu ang nakakita nito.

Bukod sa pera ay may kasamang mga importanteng IDs at cards ang wallet ni Christine.

Sa kanyang post, nang mapagtanto niya na siya ay nawalan ng wallet ay napanghinaan na agad siya ng loob at naghanap lamang ng ilang minuto. Iniisip nito na wala nang taong magsasauli nito sa kanya.

Subalit napatunayan niyang nagkamali siya nang may tumawag sa kanyang ama upang ipaalam na napulot nito ang kanyang nawawalang wallet.

Ayon sa report ng ABS-CBN, sa kabila ng pagkakaroon ng sakit ng isa sa mga anak ni Angelo nang mga oras na ‘yun, hindi umano ito sapat na dahilan para angkinin ang pera ng iba.

Dagdag pa nito na hindi ganoon ang paraan ng pagpapalaki sa kanya, at ito rin naman ang gusto niyang ituro sa mga anak.

Ang isa pang nakakamangha sa katapatang ipinakita ng ating kababayan ay ang hindi nito pagtanggap sa pabuyang inalok ni Christine.

Dahil dito, umani ng positibong reaksyon si Angelo sa social media nang i-post ng may-ari ng wallet ang insidenteng iyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Christine Janelle Kho

Ang pangyayaring ito ay maaaring iugnay sa kamakailan lamang ay naiulat na pag-aaral sa “Science” website na may pamagat na “Civic honesty around the globe”.

Base sa eksperimentong isinagawa sa 40 na bansa, ang mga nawawalang wallet na mayroong malaking halaga ay may mas malaking tsansa na maibabalik.

Sources: Facebook, Science


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!