Love Hurts: Revelation posts ng aktres sa panloloko ng ex-BF na model, maraming naka-relate

  • Trending sa social media ang dating magkarelasyon na Arianne Bautista at Nico Locco
  • Isiniwalat ni Arianne ang panloloko ni Nico sa Instagram na kung saan sinagot din naman ito ni Nico sa social media
  • Humingi na si Nico ng apology kay Arianne sa pamamagitan ng isang post

Laganap sa social media ang iba’t-ibang mga photos at videos ng mga magkakarelasyon. Mistulang nakasanayan na ang paraang ito bilang “modern way” na ipagsigawan sa mundo na mahal mo ang isang tao.

Ngunit hindi ito ang sitwasyon ng commercial model at Kapuso TV actress at host na si Arianne Bautista.

Imahe mula sa Facebook account ni Arianne Bautista

Bukod sa nakilala si Arianne bilang isa sa mga cast ng hit teleserye sa GMA na “Ika-6 na Utos”, naugnay ang rising star kay Toni Gonzaga dahil sa pagkakahawig niya dito.

Subalit naging maingay ang pangalan ng nasabing aktres sa social media nang i-post nito sa Instagram ang mga sweet photos nila ng ex na si Nico “Locco” Fowler.

Si Nico Locco ay isa ding model, host at aspiring star sa showbiz.

Ayon sa caption, hindi puwedeng i-post ni Arianne ang kanilang mga pictures dahil ito ay may pinangangalagaang career.

Imahe mula sa Instagram account ni Arianne Bautista

Kasunod nito ay mga posts sa Facebook na nagpapakita ng mga conversation screenshots ng kanyang ex-boyfriend at mga ibang babae habang sila pa.

Labis na katapangan ang ipinakita ni Arianne sa pagsisiwalat nito sa kanyang kasalukuyang pinagdaraanan.

Bukod sa mga co-stars sa GMA at mga kaibigan sa industriya na nagpahayag ng kanilang pag-suporta kay Ariane ay nakisali rin ang mga netizens sa pagbibigay ng komento ukol sa “cheating” sa relasyon.

Ilang araw matapos ang pagsisiwalat na ito ni Arianne, sinagot ito ni Nico sa kanyang Facebook at Instagram account.

Imahe mula sa Instagram account ni Nico Locco

Inamin niya ang kanyang pagkakamali sa kanyang ex-girlfriend na si Arianne at nangako na magbabago.

Bukod pa dito ay binanggit niya sa kanyang post ang tungkol sa “cyberbullying”. Ito ay dahil sa natatanggap niyang pambabash at hate messages sa social media.

May kasabihan na, “Time heals all wounds.”Magkakaroon kaya ng ‘forgive and forget’ chapter?

Samantala, sa mga comments sections ng mga posts ay bumuhos ang sari-saring kuwento ng mga naloko rin umano ng kanilang mga karelasyon. Nasasaktan daw kasi tunay na nagmahal.

Sources: Instagram Facebook Instagram Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!