Pagsama sa mga matatabang kaibigan ‘nakahahawa’, ayon sa pag-aaral

  • Ang “social contagion” ang isa sa mga posibleng dahilan ng pagtaba, ayon sa research ng USC
  • Malaking impluwensya sa ating lifestyle ang mga nakasanayang gawain ng mga kasama sa paligid
  • Panatilihin ang tamang BMI upang maiwasan ang tsansa ng “obesity”

“Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”

Maaaring ang kasabihang ito ay hindi akma sa lahat ng oras at sa lahat ng tao. Subalit may mga pagkakataon namang ito ay maaaring tama.

Halimbawa na lamang ay sa mga panahong tayo ay nagkakaroon ng kaibigan mula sa bagong grupo ng mga ka-trabaho na ating nakakasama. Dumarating tayo sa puntong bukod sa oras ng trabaho, pati sa mga “leisure activities” ay sila pa rin ang ating mga kasama.

Mag-bonding, mag-travel at syempre, mag-food trip.

Sa pagbabalik-tanaw nang ikaw ay bago pa lamang sa grupo, napaalalahanan ka ba ng katagang “tataba ka dito”?

Imahe mula sa Freepik

Ang akala natin ay isang biro lamang ito upang makapagpalagayan ng loob ang isa’t-sa. Subalit madalas, tila sila ay tama!

Mayroong mas malalim na paliwanag ukol dito. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa University of Southern California (USC), bukod sa “genetics” at “shared environment”, ang tinatawag na “social contagion” ay isa sa mga sanhi ng obesity.

Ang “social contagion” ukol sa usaping ito ay tumutukoy sa malaking chance na ika’y tumaba din kung ikaw ay parte ng isang komunidad o grupo na may mataas na obesity rate.

Kung ano ang karaniwang ginagawa at kinakain sa lugar na kinabibilangan mo ay ‘di namamalayan na ating naa-adopt ang mga ‘karaniwang’ mga bagay na ito.

Ngunit gaano man kasarap kumain at sinusubukan nating gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin, tungkulin natin sa ating sarili ang siguruhing tayo ay may malusog na pangangatawan.

Upang maiwasan ang obesity, ugaliing mag-ehersisyo at kumain ng masusustansiyang pagkain.

Imahe mula Freepik
Source: USC News

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!