Larawan ng sasakyan at bike sa Cubao, trending sa social media

  • Sari-saring reaksyon ang ibinahagi ng mga netizens sa larawan ng aksidente ng isang sasakyan at bike sa Cubao
  • Nayupi ang unahan ng Honda City, samantalang walang “damage” na nakita sa bike
  • Ito ay bunga ng disenyong “crumple zone” na ginagamit sa sasakyan upang mabawasan ang impact sa mga ganitong insidente

Trending sa Facebook ang larawan ng isang bike at kotse na nagkaroon ng maliit na aksidente sa Aurora, Cubao noong Miyerkules.

Imahe mula sa Facebook Page Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Sa pagkakataong ito ay kakaiba ang nasaksihan ng mga traffic enforcers at ilang mga nakakita.

Kapansin-pansin na yupi ang unahang “bumper” ng puting Honda City nang ito ay masalpok sa likod na gulong ng bike. Samantala, walang pinsalang nakita sa nasabing bike.

Ang nasabing photo sa kasalukuyan ay mayroon ng 26K engagements. Ito ay kuha ng nag-ngangalang JayVee Monterel, at naka-post sa Facebook Page ng “Philippines CCTV & DASH CAM Spotted”.

Maraming netizens ang nagkomento kaugnay sa paggamit ng mga diumano’y “fake metal” sa mga sasakyan ngayon.

Imahe mula sa Facebook Page Philippines CCTV & DASH CAM Spotted

Ito naman ay mabilis na sinagot ng mga car enthusiasts na ang nangyaring ito ay isang “safety feature” ng mga modernong sasakyan ngayon.

Ayon sa isang komento, ito ay tinatawag na “crumple zones” o “crash zones” upang mabawasan ang impact na matatamo ng mapagbabanggaan nito sa pamamagitan ng “controlled deformation”.

Ang trending photo na ito ay na-post din sa Facebook Page na “Autocar Philippines” na kung saan nag-comment ang posibleng may-ari ng sasakyan na si Sharon Suarez.

Ayon dito ay bumalik din sa dating ayos ang nasabing Honda City.

Imahe mula sa Facebook Page ng Autocar Philippines

Dagdag pa niya na ang nararamdaman niya ngayon ay kapanatagan ng loob dahil walang nasaktan sa kanilang dalawa ng naka-bike, hindi sira ang kanyang kotse, at hindi na rin siya gagastos ng malaki para ipaayos ang sasakyan.

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!