Lalakeng hinamak ang intellectual capacity ng babaeng nang-reject sa kanya, trending sa Twitter

  • Umani ng batikos ang isang lalake matapos nito insultuhin ang babaeng nag-turn down sa kanya
  • Matapang naman na ipinagtanggol ng 22-anyos na babae ang sarili
  • Dismayado ang mga netizens sa ipinakitang hindi maayos na pagtanggap ng lalake sa desisyong iyon ng babae

Isa sa mga mahahalagang bagay na tini-tignan ng mga kababaihan sa kanilang mga potensyal na “Mr. Right” ay ang pagiging maginoo at ang pagpapakita ng respeto sa kapwa tao.

Imahe mula Freepik

Ito ay isa pa rin sa mga nangungunang ‘requirement‘ ng mga kababaihan kahit na tayo ay nasa moderno nang panahon.

Subalit sa isang trending post sa Twitter ay isang lalake ang tila nagpakita ng hindi kagandahang pagtrato sa isang babae na kanyang inaayang makipag-date.

Ayon sa post ng Twitter user na si Janis (@janisalano), nakilala niya ang lalakeng ito sa isang event. Bukod dito ay hindi lamang siya isang beses na inaya nito na kung saan ay palagi din naman niyang tinatanggihan.

Mababasa sa screenshots ng conversation sa pagitan nilang dalawa na direktang tinurn-down nito ang imbitasyon sa kanya na lumabas.

Imahe mula sa Twitter account ni Janis Alano

Ngunit sa mga sumunod na reply ng lalake ay nagpakita ito ng pagiging agresib0 sa kanyang mga sagot.

Dumating sa punto na ang komento ng lalake ay naging personal na laban kay Janis. Hinamak nito pati na ang kanyang intellectual capacity.

Ang post na ito ay umani ng negatibong reaksyon dahil sa ipinakitang asal ng lalake.

Imahe mula sa Twitter account ni Janis Alano

Sa ngayon ay mayroon ng humigit sa 32K na engagements ang post na ito.

Maraming mga netizens ang humanga sa tapang ni Janis na ipaglaban ang sarili sa kabila ng paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya.

Isa sa mga nag-komento ay nagsabing, “How this girl handled the situation just proves how high her intellect is. Never did she insult the guy. Go girl!”

Source: Twitter


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!