
High school ang maituturing na isa sa pinaka-hindi malilimutang yugto sa buhay ng sino man.

Sa high school nararanasan ang pagkakaroon ng puppy love, pati na rin ang kilig at heartbreak na kaakibat nito. Dito rin natin nahahanap ang mga tao na itinuturing nating mga tunay na kaibigan na magpahanggang sa kasalukuyan ay naaasahan pa rin sa hirap at saya.
Dito ay natuto tayo ng iba’t ibang mga kaalaman na kalaunan ay nagagamit natin sa ating buhay.

Hindi rin maituturing na kumpleto ang high school life kung hindi mo naranasan ang panghihiram o paghingi ng gamit sa iyong kakalase tulad ng ballpen, papel at snopake o whiteout sa tuwing may pagsusulit.
Nariyan din ang paghiram ng suklay, paghingi polbo sa tuwing magpapaganda, alcohol at pabango.

Hindi pa man graduate ng high school ay pinatunayan na ng isang Facebook user ang pagiging wais at mapamaraan niya sa buhay.
Sa post ni Sara Arabella Sanchez Canlas, isang grade 10 student mula sa Tarlac na kasalukuyang may 4.7k likes at 15k shares, ibinahagi niya ang kanyang witty business kung saan ang kanyang ballpen, papel, poblo at iba pa ay for rent at for sale.

Halimbawa, ang isang pirasong papel ay nagkakahalaga ng piso, limang piso kada gamit naman ang pulbo, tres kada spray ang pabango at piso isang patak ang alcohol.

Ang ball pen naman na tatlong piso kada isang oras ang renta, ay may multang 30 pesos kapag nawala.

Maliban sa presyo ay may nakatutuwa ring hugot lines ang ilan sa kanyang binebenta.

Ilang netizens ang kinatuwaan ang kakaibang business ng dalagita:
“Magawa nga yan. Hahaha. Nako, yayaman talaga ako dyan.”
“May negosyo na tayo habang nagaaral!”
Source: Facebook