Jollibee SG Woodlands pinilahan ng mga customers isang gabi bago ang opening

  • Nagbukas na ang ika-pitong branch ng Jollibee sa Singapore noong Hunyo 26
  • Isang gabi bago ang nasabing “opening” ay pinilahan na ng mga masusugid na customers ng fast food chain ang Woodlands branch
  • Nakatanggap ng freebies ang unang 100 customers ng nasabing branch

Ang pagiging isang Pinoy ay may maraming kaakibat na nakasanayang kaugalian, gawain at lalo na mga paboritong pagkain na kahit saan mang lugar sa mundo tayo mapadpad ay ating dala-dala, at hindi nakalilimutan.

Isa sa mga ito ay ang sikat na sikat na fastfood chain na Jollibee.

Imahe mula sa Facebook Page ng Jollibee Singapore

Ito ay kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t-ibang sulok ng mundo kung saan mayroong Pinoy.

Ang Jollibee ay mayroon nang humigit kumulang na 1,100 stores sa buong mundo simula nang una itong itayo noong 1978.

At isa sa kanilang pinakabagong bukas na branch ay ang Jollibee Woodlands na matatagpuan sa North Region ng Singapore.

Ito ang ika-pitong branch ng Jollibee sa nasabing bansa.

Dahil sa angking pagmamahal ng mga Pinoy sa tinagurian na ng nakararami na “pambansang fastfood chain ng Pinas”, isang gabi bago ito opisyal na magbukas ay kapansin-pansin na mayroon nang mga nakapilang customers.

Imahe mula sa Facebook Page ng Jollibee Singapore

Sa post ng Jollibee Singapore sa kanilang Facebook Page ay makikitang nagmistulang nag-camping na ang ilan sa mga nag-aabang sa pagbubukas ng branch na ito.

Ayon sa kanilang promotion, ang unang limang customer ay maka-tatanggap ng limited edition na Jollibee Funko Pop. Samantalang ang ika-anim hanggang ika-100 na customer ay mayroong Jollibee pillows.

Subalit, bukod sa mga “freebies”, pinatutunayan lamang ng mga masisigasig na customers na ito ang kanilang “excitement” na matikmang muli ng paboritong “chicken joy”.

Imahe mula sa Facebook Page ng Jollibee Singapore

Base sa mga posts na makikita sa nabanggit na Facebook Page, tuloy-tuloy ang mahabang pila ng mga customer hanggang 10 PM.

Kasunod ng Woodlands branch ay may magbubukas din na isa pang outlet sa Punggol na matatagpuan naman sa North-East Region ng Singapore.

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!