Dating lulong sa bisyo, licensed nurse na ngayon

  • Pinatunayan ng isang Nursing board passer galing Cebu na ang pangit nakaraan ng isang tao ay hindi dapat maging hadlang sa pag-asenso sa buhay
  • Ibinahagi niya ang kanyang karanasan at inspirasyon upang magbagong-buhay
  • Ibinahagi rin niya ang kaniyang pangarap na maging doktor sa hinaharap

“In the end, your greatest pains may become your strength and your wounds into wisdom.”Ryan Villareal

Isa si Ryan Villareal, mula sa Naga City, Cebu, sa 5,059 na matagumpay na pumasa sa Nursing Licensure Examination nito lamang Hunyo 2019.

Maliban sa karaniwang hamon ng pagtatapos sa kolehiyo, si Villareal ay nasa proseso ng pagbangon mula sa masamang ‘nakagawian’ habang siya ay nag-aaral na siyang nagsilbing inspirasyon upang lalo siyang magsumikap.

“It wasn’t really easy especially nag recover ako while studying. I’m healing from my w0unds that time na nag skwela ko. Pero sa hinay hinay lang naabot lang jud and now registered nurse nako.”

[Hindi madali, lalo na at nagre-recover ako habang nag aaral. Nasa proseso ako ng paghilom habang nag-aaral pa ako. Pero unti-unti ay nagawa kong lagpasan lahat at ngayon ay registered nurse na ako.]

Imahe mula kay Ryan Villareal | Facebook

Ibinahagi rin ni Villareal na sa araw ng kanyang pagtatapos ay apat na taon at dalawang buwan na siyang ‘malinis’ mula sa hindi kanais-nais na bisy0.

“This achievement is just a bonus for me because today, I am 50 months clean.”

Samantala, ibinahagi ni Villareal na sa murang edad ay nalulong na siya sa kanyang bisyo upang punan ang kakulangan sa atensyon na hinahanap niya mula sa kanyang pamilya.

Dagdag nito, nakaramdam siya ng panandalian at pekeng kasiyahan na dala ng mga barkada niyang nag-udyok sa kanyang gumamit. Nagbago ang kanyang pananaw nang unti-unting maapektuhan ang kanyang kalusugan dahil dito.

Pumayag siya na pumasok sa rehabilitation center at nagbagong buhay.

Imahe mula kay Ryan Villareal | Facebook

“It is so hard to constantly wage war against yourself and against an invisible enemy which is the ‘disease of addicti0n’.”

Pangarap ni Villareal na maging doktor balang araw. Araw-araw din daw niyang ipapaalala na sa kabila ng kanyang tagumpay, kailangan niyang maging mapagpakumbaba.

Source: Facebook Cebu Daily News, ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!