Compilation ng “gaya-gaya” posts ng mom influencer sa FB, patok sa mga netizens

  • Muli na namang nag-viral ang latest post ng mom influencer na si Grace Delos Santos ng AJ’s and ME sa Facebook
  • Ang kanyang trending post ay compilation ng mga “gaya-gaya” versions niya sa mga sikat na celebrities
  • Ang mga real-life content ni Mommy Grace sa kanilang FB Page at YouTube channel ay palaging kinagigiliwan ng mga netizens

Patok na patok sa Facebook users ngayon ang “Gaya gaya si mameh compilation” ng mom influencer na si Grace Baldomar Delos Santos.

Imahe mula sa Facebook Page ng AJ’s and ME

Ang nasabing mga larawan ay naka-upload sa Facebook page ng kanilang pamilya na “AJ’s and ME”.

Isa ang pamilya ni Delos Santos sa mga sikat na pamilya sa mundo ng social media dahil sa mga funny and witty “relatable” photos and videos na inu-upload ni Mommy Grace.

Ayon sa kanilang Facebook page, sila umano ang Delos Santos Family, ang jologs version ng mga Kramers.

Gaya ng mga Kramers, ang kanilang content ay pa-tungkol sa real-life happenings ng kanilang buong pamilya na kasalukuyang nakatira sa Canada.

Imahe mula sa Facebook Page ng AJ’s and ME

At nito lang nakaraang linggo ay nag-trending ang posts ni Mommy Grace na photo compilation ng kanyang paggaya sa mga sikat na posts ng mga local at Hollywood celebrities.

Nangunguna na rito ang mga “gaya-gaya” versions niya sa mga trending posts ni Heart Evangelista.

Ang ilan sa mga “sosyal” posts ni Heart na ginaya ni Mommy Grace ay ang pagpunta ni Heart sa China, samantalang si Mommy Grace ay nagpakita ng mga kalat sa bahay, at ang pagbubura niya ng drawing ng mga anak sa ding-ding habang si Heart ay nagdo-drawing.

Imahe mula sa Facebook Page ng AJ’s and ME

Ang ilan pa sa mga celebrities na tampok sa kanyang gaya-gaya collections ay sina Nadine Lustre, ang magkakapatid na Kardashians, Catriona Gray at Julia Baretto.

I-click lamang ang larawan sa itaas upang masilayan ang mahigit 40 niyang ibinahaging ‘koleksyon’,

Source: Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: