Pamangkin ni Rico na kinagigiliwan nila noon ni Claudine, dalagang-dalaga na

Matagal-tagal na rin pala simula noong nawala ang dating matinee idol na si Rico Yan — ito ang napagtanto ng kanyang mga tagahanga na hanggang ngayon ay nagmamahal pa rin sa aktor.

Sa Instagram, binati ng kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan ang kanyang panganay na anak na si Quiana para sa ika-18 kaarawan nito. Aniya, sa isang iglap ay dalaga na ang kanyang minamahal na supling. Si Quiana ang pamangkin ng aktor na noon ay nilalaro at kinagigiliwan nila ng dating kasintahan at ka-love team niya na si Claudine Barretto.

Nagbahagi rin si Tina ng isang throwback photo ni Quiana habang tinuturuan maglakad ng isang lalaki na tila si Rico.

Hindi buo sa larawan ang mukha ngunit sa ngiti pa lamang ay makikita nang si Rico ito. Wika ng mga fan, kilalang-kilala raw nila kung sino ang may ganoong kagandang ngiti at dimples. Marami ang nakaramdam ng pangungulila sa aktor.

Bukod sa pagiging maganda, lumaki rin na matalino ang pamangkin ni Rico. Sa katunayan, nakatakdang tanggapin ng dalaga ang katibayan ng pagiging summa cum laude niya.

 


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: