Mangingisda, binigyan ng pambihirang business offer ng prinsipe ng Bahrain

Isang napakagandang sorpresa ang bumati sa isang mangingisda noong Miyerkules, ika-23 ng Mayo, nang lapitan siya ng anak ng hari ng Bahrain para sa isang business proposal na hindi niya matatanggihan.

Ayon sa ulat ng Gulf News, sa isang video ay nakita ang prinsipeng si Shaikh Nasser Bin Hamad Al Khalifa, anak ni King Hamad Bin Eisa Al Khalifa ng Bahrain, na nakikipag-usap sa isang lalaki na nagtitinda sa tabi ng kalsada sa bayan ng Hamad.

Gamit ang salitang Arabic, sinabi ng prinsipe na bibigyan niya ng business license at tindahan ang mangingisda na kinilalang si Mohammed Ali Falamarzi,

Kung tatanggapin umano ni Ali Falamarzi ang alok ay  gagawin pa siyang regular supplier ng LuLu, isang malaking Indian hypermarket chain na nag-o-operate sa Bahrain. Tinanong din ng prinsipe ang mangingisda kung kailangan niya ng isang bangka.

Ang pag-uusap ng prinsipe at ni Ali Falamarzi ay nasaksihan ni Juzer Rupawala, ang LuLu group director ssa Bahrain.

Bakas ang kasiyahan sa mukha ng prinsipe.

Image capture mula sa Instagram account ng nasser13photos

 

Sinabi naman ng tagapagsalita ng LuLu na matapos ang business offer ng prinsipe ay agad na sisimulan ng LuLu branch sa Bahrain ang pagbili sa mga huli ng mangingisda.

Ayon pa rin sa nasabing ulat, hindi iyon ang first encounter ng prinsipe kay Ali Falamarzi. Ilang beses na raw nakita ng prinsipe ang mangingisda sa kalsada at napansin niya kung gaano ito kasaya habang nagtitinda.

Habang nagtitinda ay bukambibig umano ng mangingisda ang mga mabubuting bagay tungkol sa Bahrain at kung paano ipagmalaki ang kanyang bansa kaya naman naisip ng prinsipe na tulungan ito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!