‘Ganda meets Ganda’: Kristine Hermosa at Liza Soberano, nagkaharap sa ‘Bagani’

Nagkaharap na rin sa isang episode ng kontrobersyal na fantaseryeng Bagani ang mga karakter ng dalawa na kabilang sa may pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz na sina Kristine Hermosa at Liza Soberano.

Screenshot mula sa YouTube channel

Naganap ang paghaharap nina Ganda (Liza Soberano) at Malaya (Kristine Hermosa) noong Miyerkules ng gabi, Abril 25, 2018 sa ABS-CBN Primetime Bida na talaga namang pinag-usapan ng mga netizens.

Iniligtas ni Malaya si Ganda mula sa  Kambal Kurimaw na sina  Toto and Tata (Fourth atFifth Solomon). Kukunin sana ng kambal ang taglay na kariktan ni Ganda subalit pinigilan ito ni Malaya. Dinala ni Malaya si Ganda sa  Dako Pa Roon.

Marami sa mga netizens ang naghambing sa taglay na kagandahan ng dalawa. Maraming nakapansin na kahit 14 na taon ang agwat sa edad ng dalawa, hindi pa rin pahuhuli si Kristine kahit may asawa’t apat na anak na ito.

Si Kristine ay happily married kay Oyo Boy Sotto, anak ng komedyante at host na si Vic Sotto at aktres na si Dina Bonnevie.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!