Baby girl, tinawag na “Einstein 2.0” dahil sa kanyang buhok

“Einstein 2.0” ang palayaw na ibinigay ng kanyang mga magulang sa baby girl na si Talyor McGowan dahil sa buhok niyang palaging nakatayo – tulad ng buhok ng tanyag na scientist.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, ang 17-month-old na si Taylor ay isa lamang sa nasa 100 bata sa buong mundo na mayroong tinatawag na “uncombable hair syndrome” (UHS).

Dahil sa UHS ay palaging nakatayo ang matingkad at kulay puting buhok ni Taylor kahit ano pa ang gawing pagsuklay at pa-ayos dito ng kanyang mga magulang na sina Tom at Cara McGowan.

Kuwento ni Cara, palaging nakaaagaw ng atensyon ng tao ang buhok ng anak saan man sila magtungo. Aniya, mababait naman ang karamihan ng mga tao, pero may ilan daw na nag-akusa sa kanya na ginamitan niya ang buhok ng anak ng bleaching chemical.

May ilan din daw na nagtanong kung “nakuryente” ba si Taylor kaya nakatayo ang buhok. Sinasagot naman ni Cara ito ng “Hindi, ipinanganak siyang ganyan.”

Minsan napagbintangan pa ang magulang ni Taylor na gumamit ng bleach sa buhok niya.

Mga imahe mula sa Facebook page ni Einstein 2.0

Ani Cara, noong una ay palagi raw nilang binabasa ng tubig bago suklayin ang buhok ni Taylor, pero tumatayo pa rin pag natuyo. Nakagamit na rin umano sila ng 15 sari-saring produkto para mapadapa ang buhok ng anak, gaya ng hairspray, gel, mousse at iba pa, pero wala ring epekto.

Sa bandang huli ay sumuko na ang mag-asawa at minsan nga ay pinagsuot nila si Taylor ng halloween costume bilang “Einstein.” Hindi rin naman umano gusto ni Taylor na lagyan ng hair clips o itirintas ang buhok niya kaya hinayaan na lang nila iyon na “wild and free.”

Gumawa si Cara ng Facebook page na tinawag na “BabyEinstein2.0” upang masundan ng mga tao ang paglaki ni Taylor at malaman ang tungkol sa UHS.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!