“Amazing”: Mariah Carey, humanga sa batang Pinoy sa cover version nito ng “Hero”

Pinabilib ng isang batang Pinoy na mang-aawit ang American singer at songwriter na si Mariah Carey sa pag-awit nito ng sarili niyang bersyon ng “Hero” – isa sa pinaka “personal and inspirational” ballad ni Mariah.

Sa pinakabagong episode ng “You Sang my Song” ng Glamour Magazine, kung saan iniimbitahan ang mga musicians na panoorin at magbigay ng komento sa mga kakaibang cover versions ng kanilang mga awitin, si Mariah Carey ang pinakabagong guest.

Pinanoood niya ang iba’t ibang mga aspiring musicians sa pag-awit ng mga kantang pinasikat niya.

Matapos niyang mapanood at magbigay ng komento sa pag-awit nina Stephen Scaccia, Angel Cintron, Dayna Bloom, Joyce Wrice, Marcuss at Daniel Davis sa cover versions ng kanyang mga sikat na awitin ay huling ipinakita kay Mariah ang Pinoy duo na sina Aldrich Talonding at James Bucong.

Image capture of video by Aldrich and James via YouTube

Napahanga ni Talonding si Mariah sa cover version niya ng “Hero.”

“This kid’s amazing,” bulalas ni Mariah na tinagurian ng Guiness World Records na “Songbird Supreme.”

“Aldrich and James, I loved the rendition. Amazing,”  sabi pa ni Mariah.

Ang video ni Aldrich at James na pinanood ni Mariah ay noon pang 2014 ginawa at napanood na ito sa YouTube ng 1,999,241 na beses. Kinse anyos pa lang noon si Aldrich at disi-nuwebe anyos  naman si James.

Narito ang latest episode ng “You Sang my Song” ng Glamour Magazine (nasa  10:15 mark ng video sina Aldrich at James):

Narito naman ang kumpletong video nina Alrich at James noong 2014:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!