[Video] Senior high student, gabi-gabing tumutugtog sa tapat ng 7-Eleven para makaipon

Hinangaan ng marami ang isang senior high school student sa University of Santo Tomas (UST) na gabi-gabi umanong tumutugtog sa tapat ng 7-Eleven upang makaipon.

Mga imahe mula sa Facebook video ni @Ysabel Quintos

Sa Facebook, ibinahagi ng isang user ang video ng pagkanta ng estudyante ng Perfect ni Ed Sheeran.

“Saw him along P. Noval St. Na-caught niya agad attention namin. Then one student also joined him in singing. His name is Kristopherson Madrigal and he’s from MAD UST-SHS. And sabi ng prof namin from UST is gabi-gabi daw siyang kumakanta sa tapat ng 7/11. Visit niyo siya minsan para marinig niyo siyang kumanta live. He’s also in need of financial help so please kung keri naman natin, why not help, di ba? Magtulungan tayo,” aniya.

Ibinahagi ang nasabing video ng ina ng estudyante.

“Proud of you, Tope,” aniya.

Panoorin ang performance ni Madrigal:

As of posting, nakakuha na ang video ng mahigit 10,000 shares, lampas 22,000 reactions, at halos kalahating milyong views.

 


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: