[Video] Kris kay Joshua: Can you please behave?

Pinayuhan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang aktor na si Joshua Garcia, na umamin kamakailan na nasaktan niya ang kanyang onscreen partner at rumored girlfriend na si Julia Barretto.

Sa YouTube, ini-upload ng ABS-CBN Star Cinema ang video kung saan sinabi ni Aquino na napanood niya ang panayam ni Boy Abunda kay Garcia. Dahil dito sinabihan niya ang aktor na mag-behave.

“Can you please behave? Sa ganda ba naman nito!” aniya. “‘Di ba?” baling niya kay Barretto.

“‘Di ba? Super!” pabirong tugon ng young actress.

Paliwanag ni Aquino, minsan ay hindi raw nakikita ng mga lalaki ang mayroon sila hanggang hindi pa ito nawawala.

“Sometimes kasi minsan iyong boys hindi naa-appreciate iyong ganito ka-ganda, kailangan mag-try muna ng not-so. And then maa-appreciate ngayon kung halos mawala,” wika niya.

Payo niya kay Garcia, “Huwag mong antayin mawala.”

Narito ang video na ibinahagi ng ABS CBN Star Cinema:

Narito ang panayam ni Abunda kay Garcia:

Narito naman ang video ng pagpapayo ni Aquino sa young actor:


Loading...
Source :

YouTube, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: