Sakay na! Banana boat gamit ang saging na saba, kinaaliwan ng mga netizens

Summer na naman! Tiyak na kabilaan na ang pagpunta sa mga beach at private pool upang makapag-swimming at maibsan ang tindi ng tag-init!

Well, patok na naman ang iba’t ibang activities lalo na kapag nasa beach ka tulad na lamang ng pagsakay sa ‘banana boat’.

Kinaaliwan ng maraming netizens ang larawan ng isang banana boat kung saan ‘literal’ na saging ang ‘sinakyan‘ ng sinasabing magkakaibigan.

Sa Facebook post ni Mikel Tutor, ibinahagi nito ang larawan ng banana boat sa isang beach na gamit umano ang saging na saba.

Ito ay may caption na: “Banana oh na na! DIY banana boat ride? PM us how! HAHAH mas safe at affordable pa!”

Image capture from Mikel Tutor Facebook account

Talaga namang magmumukang banana boat kasi nga naman ang husay ng pagkakuha sa larawan.

Image capture from Mikel Tutor Facebook account

Pabiro pang nag-imbita sa mga tao na sumakay na sa banana boat na ito

Tara na! Sakay na!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!