Netizen “humugot” sa billboards habang naka-stuck sa traffic

Sa init ng klima ngayon dulot ng summer (na pinatindi pa ng global warming) at sabayan pa ng napakatinding traffic jam, sino nga bang motorista ang hindi mag-iinit ang ulo?

Marami sa mga motorista ang nililibang na lamang ang mga sarili upang hindi ma-stress lalo pa’t hindi naman kontrolado ang mga ganitong sitwasyon.

Gaya na lamang ng ginawa ng netizen na si Payti Racal na nakaranas ng matinding trapiko sa isa sa mga kalsada sa Metro Manila. Imbes na mainis sa labis na trapiko, “humugot” na lamang ang netizen sa dalawang malaking billboards na naraanan niya.

Makikita sa unang billboard ang larawan ni Chinita Princess na si Kim Chiu na ineendorso ang isang sikat na Chinese fast food chain habang nasa ibaba naman nito ang billboard ng dating katambal at ex-boyfriend na si Gerald Anderson kasama ang isa pang babaeng print-ad model na ineendorso naman ang isang sikat na condiment.

Iniugnay ng netizen ang dalawang billboards sa naging issues dati nina Kim at Gerald.

Yung nakita mo yung ex mo na masaya na sa iba and you pretend to be okay pero deep inside gusto mo silang buhusan ng halo-halo.

Muling nagkasama sa isang teleserye ang Kimerald noong 2017 sa Ikaw Lang ang Iibigin matapos ang ilang taong paghihiwalay bilang loveteam.

Sa ngayon ay nali-link si Kim Chiu kay Xian Lim at si Gerald naman kay Bea Alonzo.

Relate-much ka ba sa hugot ni ate girl?

Fact-checked against the following source(s) :
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!