Mga netizens, nakiramay sa pagkamatay ng alagang aso ni Nol Montalbo

Dog is man’s best friend, ‘ika nga. Hindi mauunawaan ng sinumang taong hind pet lover ang sakit sa damdamin na mawalan ng isang alagang aso, pusa, o kahit na anong uri ng pet, na maaaring katumbas ng pagpanaw ng isang kaanak o taong mahal sa buhay.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Nol Montalbo

Ibinahagi ng sikat na doktor, instructor, at entrepreneur na si Maynol “Nol” Montalbo ang kanyang huling larawan kasama ang labi ng pumanaw niyang pet dog na si Chiquito sa kanyang Facebook at Instagram account. Marami sa mga netizen ang nakiramay at nakisimpatya kay Nol.

Batay sa caption ni Nol, namatay ang kanyang alagang si Chiquito mga bandang 12:00 ng madaling-araw nitong Abril 22, 2018. Nagawa pa raw niyang ineksyunan ng gamot ang alaga, mga bandang 9:00 ng gabi noong Abril 21, 2018, kaya laking-gulat niya nang pumanaw agad ang kanyang pet.

My last photo with my beloved Chiquito.
Chiquito joined his Creator last night, a few minutes past 12am. Nag-inject pa ako sa kanya ng Renogen ng mga 9pm and I did not expect that everything will happen this fast.

Marami raw siyang hahanap-hanapin kay Chiquito, lalo na ang mga titig at tila pagngiti nito kapag nakikita na ang kanyang pasalubong na siopao at isaw na ipakakain sa kanya. Hahanap-hanapin din umano ni Montalbo ang pagkiskis ng ulo ni Chiquito sa kanyang kaliwang binti na tila ba isang pusang naglalambing; ganoon din ang selfies nilang dalawa.

Mami-miss ko ang mga titig mo, ngiti mo lalo na kapag may hawak akong siopao at isaw na alam mong ipapakain ko sa yo. Dyos ko, yung salubong mo lalo na yung pagkiskis mo sa left leg ko na parang pusa kapag naglalambing ka sa kin. No more selfies with you. Wala na lahat.

Si Chiquito rin ang pinakapaboritong pet ni Nol dahil marami raw siyang first time na nagawa kasama ang aso.

Ang dami dami kong mami-miss. I should admit, you are my most favorite dog ever and alam ng lahat yan. You taught me so many firsts in my life.

Masakit man, pinasalamatan at tuluyang “pinalaya” ni Nol ang kanyang pinakamamahal na si Chiquito.

Salamat Chiquito. No more pain and suffering. You have served your purpose. I so so love you 💔
my heart just can’t…

Sa isang Instagram post, isinalaysay ni Nol ang kalagayan ni Chiquito. Ito ay may chronic kidney failure na maaring naging dahilan ng kamatayan nito.

Batay sa kanyang mahabang caption:
Chiquito is far from his 100% but he is finally ready to go home.

Sa mga nagtatanong, Chiquito was diagnosed with Chronic Kidney Failure (most probably congenital) last year. Hindi na gumagana ng maayos ang kanyang kidneys kaya naiipon ang mga toxins sa katawan nya. Sa tao, dialysis ang remedyo kaso sa aso walang dialysis.

Ever since na-diagnose sya, special na ang diet nya, bawal na ang mataas ang protein. Renal prescription diet plus multiple vitamins and medications. And opo, magastos talaga.

3 weeks ago, nakipag away pa sya kay Dolphy. Nakagat sya sa likod, na-infect at nagnana ang bite area. Mabilis na-infect ang sugat kasi mababa na ang immune system nya. To make his situation worse, meron pa pala syang #Ehrlichiosis, parang #Dengue ng mga aso, na nakukuha sa kagat ng garapata, kahit wala naman silang fleas and ticks. As in nag-nose bleed na sya sa sobrang baba ng platelets. Even blood test nya (CBC) ang pangit na ng result kaya naghanap kami ng blood donors.

I was preparing for the worse pero talagang hindi ko kaya. I tried to control my sadness in front of other people but when I’m alone, naiisip ko ang almost 5 years na namin na magkasama ni Chiquito. Yung parang pareho na kami mag-isip pati ugali. But through God’s grace, naka-survive sya.

I was thinking na napakasama naman ng breeder ni Chiquito para ibreed ang mga ill parents and blood lines. Na wala silang pakialam kung mag-suffer ang mga puppies nila paglaki. Na pera na lang ang habol nila at bakit pa napunta sa akin ang “defective” na puppy. Puppy na pati buntot deformed.
Then naisip ko na may reason kung bakit sya sa akin napunta. Kasi alam ni Lord na sa akin, maalagaan si Chiquito at hindi pababayaan kahit ilang sakit pa ang dumating sa kanya. He will always be in good hands. Baka kung sa iba sya napunta, sumuko na ng maaga.

I know hindi na sya aabot sa life expectancy ng Alaskan Malamute. Super blessing na kung maka a abot pa sya ng another 1 to 2 years. In spite of this, I am very grateful kasi ang dami na nyang sakit na nalampasan. Lumalaban sya to spend more days with me. Kaya, sino ba naman ako para sumuko?

Chiquito is far from his 100% but he is finally ready to go home. . Sa mga nagtatanong, Chiquito was diagnosed with Chronic Kidney Failure (most probably congenital) last year. Hindi na gumagana ng maayos ang kanyang kidneys kaya naiipon ang mga toxins sa katawan nya. Sa tao, dialysis ang remedyo kaso sa aso walang dialysis. . Ever since na-diagnose sya, special na ang diet nya, bawal na ang mataas ang protein. Renal prescription diet plus multiple vitamins and medications. And opo, magastos talaga. . 3 weeks ago, nakipag away pa sya kay Dolphy. Nakagat sya sa likod, na-infect at nagnana ang bite area. Mabilis na-infect ang sugat kasi mababa na ang immune system nya. To make his situation worse, meron pa pala syang #Ehrlichiosis, parang #Dengue ng mga aso, na nakukuha sa kagat ng garapata, kahit wala naman silang fleas and ticks. As in nag-nose bleed na sya sa sobrang baba ng platelets. Even blood test nya (CBC) ang pangit na ng result kaya naghanap kami ng blood donors. . I was preparing for the worse pero talagang hindi ko kaya. I tried to control my sadness in front of other people but when I’m alone, naiisip ko ang almost 5 years na namin na magkasama ni Chiquito. Yung parang pareho na kami mag-isip pati ugali. But through God’s grace, naka-survive sya. . I was thinking na napakasama naman ng breeder ni Chiquito para ibreed ang mga ill parents and blood lines. Na wala silang pakialam kung mag-suffer ang mga puppies nila paglaki. Na pera na lang ang habol nila at bakit pa napunta sa akin ang “defective” na puppy. Puppy na pati buntot deformed. Then naisip ko na may reason kung bakit sya sa akin napunta. Kasi alam ni Lord na sa akin, maalagaan si Chiquito at hindi pababayaan kahit ilang sakit pa ang dumating sa kanya. He will always be in good hands. Baka kung sa iba sya napunta, sumuko na ng maaga. . I know hindi na sya aabot sa life expectancy ng Alaskan Malamute. Super blessing na kung maka a abot pa sya ng another 1 to 2 years. In spite of this, I am very grateful kasi ang dami na nyang sakit na nalampasan. Lumalaban sya to spend more days with me. Kaya, sino ba naman ako para sumuko? . Love you Chiquito ❤️ @chiquitofriends #CAF #dogs

A post shared by Nol Montalbo (@nolmontalbo) on

Be strong my Chiquito.
Blood donors are coming. Please don’t leave daddy yet. I will never be ready.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!