‘Makakain lang ang apo sapat na sa kanya’: Maglolo sa larawan umantig sa maraming netizens

Umantig sa maraming netizens ang larawan ng sinasabing maglolo sa isang kilalang fastfood chain sa General Santos City.

Image capture from XiasAng Pagaran Facebook account

Sa Facebook post ni XiasAng Pagaran, ibinahagi nito ang larawan ng maglolo na kumakain sa Jollibee, Calumpang at nakatawag ito ng pansin sa social media.

Makakain lang ang apo sapat na sa kanya. Gaena sa Jollibee, Calumpang. Makakuha kaayog atensyon si lolo. Godbless sa imuha lo ug sa imuhang apo,” ayon sa caption nito.

Kapansin-pansin kasi na habang kumakain ang bata  ay hinihintay lamang ng matanda na ito’y matapos.

Ayon sa isang komento, ang matanda ay kinilalang si tatay Dodong Marciano Flores habang ang bata ay si Princess Kiana Polancos na taga-Lower Macar umano.

Napag-alaman na si tatay Dodong ay 30 taong seaman at si Princess ang kanyang kasama. Si tatay din ay taga-Apopong ngunit siya’y nasa Macar dahil nais niyang makakita ng barko araw-araw at gunitain ang kanyang mga karanasan noong siya’y sumasampa pa ng barko.

Saad pa ng netizen, mabait at matulungin si tatay Dodong.

Napakamakahulugan ng naturang larawan at nagpapaalala rin sa atin na kung anong klase ng pagmamahal ang kayang ibigay ng mga nag-aalaga sa atin.

God bless po, tatay Dodong.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: