‘Look test’ photo nina Carlo at Angelica, kinakiligan

Tuloy na tuloy na ang reunion project ng 90s love team na CarGel.

Sa Instagram, kinakiligan ng marami ang “look test” photo ng dating magkasintahan na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

“Pagkakakitaan @iamangelicap #Looktest #Happening #Walangbayad,” saad ni Aquino sa caption ng larawan.

Tuwang-tuwa ang mga fans ng dalawa dahil matagal-tagal na rin silang hindi nagiging magkapareha sa isang palabas.

“@iamangelicap @jose_liwanag nakakatanggal ng stress sa work ‘pag ganito nakikita ko. Supahsweet. Sana kayo na lang ulit,” ani @jaja_ribuca_angeles.

“Iba din! ‘Yung puso ko! Batang 90s,” kumento ni @joancalatrava.

“Ay, grabe. Pamalo sa kilig! Pareho pa ng kulay ng buhok. Destiny nga naman! Excited na ako sa movie ninyo. I’m sure blockbuster ‘yan!” wika ni @lorelynd.

Pagkakakitaan @iamangelicap #Looktest #Happening #Walangbayad by @joshenvahnlee

A post shared by Jose_Liwanag (@jose_liwanag) on

Narito ang isa sa mga unang proyekto na pinagsamahan ng tambalang kinalakihan na ng mga batang 90s.

 

Fact-checked against the following source(s) :
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!