Lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno sinimulan na; cabinet secretary nakasalang na

At nagpapatuloy ang laban ni Pangulong Duterte sa korapsyon!

Image capture from PCGP

Binigyan ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang isang cabinet secretary na malapit sa Pangulo, kabilang ang dalawang administrador ng gobyeno.

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ni PACC Commissioner at Spokesman Greco Belgica na may basbas na mula sa  Pangulo na sila’y mag-lifestyle check at imbestigahan ang mga opisyal sa listahan na nagmula sa Office of the President.

Tumanggi namang pangalanan ni Belgica ang cabinet secretary na malapit umano sa Pangulo.

Yan po ang direktiba ng ating Pangulo. Walang sisinuhin, walang pipiliin. May report kaming ibinigay sa Presidente at ibinalik sa amin, sabi “go” imbestigahan n’yo na ‘yan, fact find, i-lifestyle check kung kailangang i-lifestyle check,” ani Belgica.

Maliban sa iniimbestigahang miyembro ng gabinete, may  dalawa ring administrador na iniimbestigahan ng PACC dahil sa pagpabor umano sa bidding, habang may isang Mayor at Vice Mayor na sangkot umano sa iligal na droga.

Irerekomendang masibak mga ‘yan. Linawin ko po ‘yung LGU. Ang jurisdiction niyan sa DILG kaya ipapadala ito kay Secretary Año o kay Undersecretary Diño,” saad ni Belgica.

Batay sa mga reklamo at sumbong na nakarating sa tanggapan ang talaan umano ng PACC.

Wika pa ni Belgica, halos 200 pangalan ng mga taga-gobyerno ang kanilang iniimbestigahan, kabilang dito ang maraming undersecretaries na dawit sa korapsiyon  habang may 15,000 reklamo mula sa social media.

Dagdag pa nito, hindi pa kabilang ang  700 na reklamo na natanggap nila mula sa Office of the President.

Matatandaang ilang araw makaraang maluklok sa puwesto si Duterte ay inanunsiyo nito ang ‘all-year-round lifestyle check’ sa mga opisyal ng gobyerno.

Fact-checked against the following source(s) :
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!