Lalaki sa Massachusetts dalawang beses nanalo ng $1 million sa loterya ngayong taon

Isang napakasuwerteng lalaki sa Massachusets ang dalawang beses nanalo ng $ 1 milyon ngayong taong ito sa scratch-off tickets ng Massachusetts State Lottery.

Larawan mula sa Massachusetts State Lottery

Unang nanalo si Jason Williams, residente ng Methuen, Massachusetts, ng $1 milyon noong ika-10 ng  Enero nang bumili siya ng scratch–off ticket ng “Ultimate Millions” na nagkakahalaga ng $30 sa Howe Street Superette sa Methuen.

Napanalunan ni Williams ang ikalawa niyang $1 milyon noong ika-17 ng Abril nang bumili siya  ng ticket sa “200X” sa halagang $30 din sa Mobil Mart sa Haverhill.

Katulad ng ginawa niya sa una niyang napanalunang premyo, pinili ni Williams ang one-time payment na $650,000 sa ikalawang panalo.

Ang dalawang tindahan kung saan binili ni Williams ay tumanggap naman ng $10,000 bawat isa bilang bonus sa pagbenta ng winning tickets.

Ayon sa The Lottery, maaari pang mapanalunan ang dalawang $15 million prizes at apatnapu’t apat na $1 million prizes sa “200X” instant game.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: