Kris sa pag-feature ni Korina kay James: Sampal sa akin ang ginawa ng misis ni Mar Roxas

Hindi na napigilan pa ng Queen of All Media na si Kris Aquino na maglabas ng hinanakit sa pag-feature ng batikang mamamahayag na si Korina Sanchez sa ex-husband ng aktres na si James Yap.

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @krisaquino at @thisiskorinasanchezroxas

Sa Instagram, sinabi ni Aquino na hindi niya nagustuhan na ibinida ni Sanchez si Yap sa programa nito na Rated K. Si Yap ang ama ng bunsong anak ni Aquino.

“I have really had ENOUGH. Simple lang, minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko — never para sa sarili n’ya pero para sa kandidatong inendorso n’ya. Dahil mahal ko s’ya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na ‘yon tinanggap ko,” ani Aquino.

“Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi ng misis ni Mar Roxas (Sanchez). Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko nang walang inasahang kapalit. At ang ganti sa ‘kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay (Yap),” pagpapatuloy niya.

Binigyang-diin din ng aktres na karapat-dapat lamang na nanalo ang katunggali ni Roxas sa pagkapresidente na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Tatlong beses akong nagpunta sa Davao — sa kampanya noong 2010, kampanya 2013 para kay Sen. Chiz and Sen. Grace, at noong nag-Kris TV. Si PRRD, lahat noong pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa ‘kin…. I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar — pero klarong-klaro sa ‘kin kung bakit ang nanalong pangulo ay si Duterte,” wika niya.

i have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandidatong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko… Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv. Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin. Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas. Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit. At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay… I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE.

A post shared by Kris C. Aquino (@krisaquino) on

Narito ang feature ni Sanchez kay Yap at sa pamilya nito na #2 na sa trending:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: