‘Hanggang Saan’ finale: Arjo, aminadong mami-miss ang ka-love team na si Sue

Umere na noong Biyernes, Abril 27, ang huling episode ng panghapong teleserye na Hanggang Saan, na pinagbibidahan ng mag-inang sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, kasama ang aktres na si Sue Ramirez.

Imahe mula sa Instagram account ni @arjoatayde

Sa Instagram, ibinahagi ni Atayde ang larawan ni Ramirez. Gamit ang mga pangalan nila sa serye, ipinahayag niya na mami-miss niya ang gumanap na love interest niya.

“Paco will miss you, Anna. #HSHulingLaro,” wika niya.

[Mami-miss ka ni Paco, Anna.]

Habang hangad ng kanilang fans na mauwi sa totohanan ang lahat sa dalawa, lalo na at hindi maikakaila ang chemistry nila, ay nanatili lamang na mabuting magkaibigan ang onscreen partners.

Hiling ng fans nina Atayde at Ramirez, sana ay hindi ito ang una at huling pagtatambal nila.

Balikan. Isa sa pinakapopular na eksena ng dalawa sa Hanggang Saan:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: