Good vibes: ‘Me at Work vs Me in Real Life’ ni Kaladkaren Davila

Kinaaliwan sa Instagram (IG) ang mga litratong ini-upload ni Kaladkaren Davila; ang impersonator ng respetadong broadcast journalist na si Karen Davila.

Sa IG, nagbahagi ng mga larawan si Kaladkaren. Ang isa ay kuha niya habang nag-uulat, samantalang ang isa ay larawan na nagpapakita ng kakulitan niya.

“ME AT WORK vs. ME IN REAL LIFE,” saad niya sa caption ng mga larawan.

Images via @kaladkaren’s Instagram account

Marami ang naaliw sa post ni Kaladkaren.

“I sooooo love you, KKD!” wika ni @coraedmondllosala.

“NKKLK [Nakakaloka]!” ani @teachergeorcelle.

“I so love you, Ms. Kaladkaren,” komento naman ni @maamshe1031.

Maging ang popular athlete na si Gretchen Ho ay natawa sa mga larawang ibinahagi ng impersonator.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!