Estudyanteng gabi-gabing tumutugtog sa tapat ng 7-Eleven, minsan nang sumikat noon

Kamakailan ay hinangaan ng marami ang isang senior high school student ng University of Santo Tomas (UST) na gabi-gabi umanong tumutugtog sa tapat ng 7-Eleven upang makaipon. Nag-viral ang kanyang video at nakakuha ng libu-libong reactions at shares — ngunit alam ba ninyo na hindi ito ang unang beses na hinangaan ang talentadong Pinoy na ito?

Ang estudyanteng si Kristopherson Madrigal, na nakuhanan ng video habang itinatanghal ang Perfect ni Ed Sheeran, ay isa sa magkakapatid na singers na nakilala noon bilang Madrigal Siblings.

Bata pa lamang ay isa nang mahusay na performer si Kristopherson. Nito lamang Abril, bago pa man nag-viral ang kanyang video habang kumakanta sa tapat ng convenience store, ay sinariwa niya ang isa sa mga naging peformance niya.

Samantala, sa Facebook account ng Madrigal Siblings ay ibinahagi ang video ng performance nila sa Pilipinas Got Talent Grand Finals pitong taon na ang nakararaan.


Loading...
Source :

Buzz DF, Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: