Carlo, nagbahagi tungkol sa pagbabalik-tambalan nila ni Angelica

Kinumpirma ng aktor na si Carlo Aquino na isang romantic movie ang muling pagtatambalan nila ng dating ka-love team at ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Mga imahe mula sa Instagram account na @team_cargel at @ghing_solid_cargel_clan; at Facebook page na Angelica Panganiban

 

Ayon sa PEP, nagkuwento si Aquino tungkol sa movie na ididirehe ni Dan Villegas.

“Nag-pitch sila sa amin nung Thursday. Baka mag-look test na kami this weekend. Magsisimula siya college days, tapos magiging kami, tapos kung ano ang pinagdadaanan ng isang couple sa isang relationship,” pagbabahagi niya.

Kuwento ni Aquino, hindi heavy drama ang dating ng pelikula.

“Light siguro to heavy. Iba siya, e. Excited ako na kinakabahan, big screen, e. Huli kaming nagsama sa MMK,” pahayag niya.

Samantala, hindi raw maiilang si Aquino kung may kissing scene sila ni Panganiban sa pelikula.

“Ako, hindi ako maiilang. Pero siya, parang hindi naman din. Hindi ko alam kasi wala pang ibinibigay na script sa amin,” wika niya.

Maituturing na iconic na ang tambalan nina Aquino at Panganiban, na nasubaybayan ng mga manonood simula noong mga bata pa lamang sila hanggang sa noong nagsilakihan na.

Narito ang Maalaala Mo Kaya episode na pinagsamahan nina Panganiban at Aquino:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!