Carlo kay Angelica: Sobra-sobra siyang magmahal, wala siyang ititira

Sobra-sobra raw kung magmahal ang aktres na si Angelica Panganiban at wala itong itinitira sa kanyang sarili; pagbabahagi ng dating kasintahan niyang si Carlo Aquino.

 

Mga imahe mula sa Instagram accounts ni Carlo Aquino at ni @zhaipot_cargel

Ayon sa PEP, nararamdaman daw ni Aquino ang sakit na pinagdaanan ni Panganiban dulot ng mga nagdaang relasyon at kanya ring inamin na masyado rin niya itong nasaktan noon. Aniya, kung makababalik daw siya sa nakaraan ay kasama ito sa gusto niyang baguhin.

“Siyempre nasasaktan din ako kasi mabuti din naman siyang tao. ‘Di pa lang siguro niya nahahanap ‘yung tama for her. Sobra, sobra siyang magmahal, wala siyang ititira, ibibigay niya lahat sa iyo,” saad ni Aquino.

“Oo, tinanong ako kung sino daw ba ako sa mga ex, ‘yung nanghihingi ng space, ‘yung astronaut. Gago lang talaga ako nun, bata, e. Hindi sure kung ano ang mayroon, ‘tapos siyempre ‘yung atensyon. ‘Yung nasaktan ko siya, sana ‘di sa ganung paraan ko nagawa ‘yun,” dagdag niya.

Samantala, sa kabila ng ilang pagkakataong nakita silang magkasama, nilinaw ni Aquino na magkaibigan lamang sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Panganiban.

“Friends. Labas kaming dalawa lang? Hindi pa. Sa ngayon friends talaga. Tumatambay kami kasama sila Ketch (Ketchup Eusebio), sila Glaiza (de Castro) sa bahay nila,” paliwanag ni Aquino.

Matapos mauwi sa hiwalayan ang seven years na relasyon ni Aquino sa isang non-showbiz girlfriend, hindi pa raw ito handa na pumasok sa panibagong relasyon.

“Katulad nga ng sinabi ko, ngayon, hindi pa ako naghahanap ng relationship. After seven years, parang masyadong maaga, masyadong mabilis kung magkakaroon ako ng girlfriend,” wika niya.


Loading...
Source :

PEP, Abante, Balita DF

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: