2-dekadang Kapamilya talent na si Jane, hindi lilipat sa GMA-7

Pagkalipas ng halos dalawang dekada bilang isang Kapamilya, lilipat na ba sa Kapuso network ang aktres na si Jane Oineza?

Ito ang tanong ngayon ng marami matapos kumalat ang balita na aalis na sa ABS-CBN ang dating child star.

Ngunit, ayon sa PEP, mismong si Oineza ang nagbigay-linaw sa network transfer issue.

“I would like to confirm that I’m not transferring, I’m still with ABS-CBN, I’m still with Star Magic and ito po yung bagong naming ihahandog sa mga Kapamilya,” wika niya.

Ang tinutukoy ni Oineza ay ang upcoming series na Precious Hearts Romances presents Araw Gabi, na magsisimula na sa Abril 30.

Tiniyak niya na hindi nag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN man o sa Star Magic.

“Siguro meron lang mga nagstart ng rumors na gano’n. Hindi ko po alam kung saan galing kasi talagang parang sobrang random,” sabi pa ng aktres.

Hindi na lamang daw niya tinitingnan ang kumalat na issue bilang isang negatibong bagay.

“Ayon, at least kilala pa rin ako ng tao and hinahanap nila ako and ‘yun po ‘yung importante,” aniya.

Apat na taong gulang pa lamang si Oineza noong una siyang nakasungkit ng role sa isa primetime series, Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2001–2003). Naging bahagi rin siya ng mga kilalang serye na Sana’y Wala Nang Wakas (2003–2004), Marina (2004), Ligaw na Bulaklak (2008), Shout Out! (2010), Maria la del Barrio (2011), at Oka Tokat (2012); at ng mga pelikulang Sampalataya (2009), Amorosa (2012), The Love Affair (2015), Bloody Crayons (2017), at Haunted Forest (2017). Nagkaroon din siya ng International Emmy nomination para sa kanyang pagganap sa Manika (2012).

Kamakailan din ay nag-trending ang 21 anyos na aktres dahil sa pagganap niya sa music video ng Ikakasal Ka Na ni Phenomenal Diva Jessa Zaragosa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: